JJ at Daryl, Inu-okray sa PEx

Tuesday, June 10, 2008

May giyera sa thread ng Pinoy Idol sa PEX, dahil sa pagkaka-eliminate nina Walton Zerrudo at Meryl David sa third elimination ng talent search.
   
Inu-okray at talagang inaaway ng fans ni Walton at ng ibang PI hopefuls ang fans nina JJ Jr. at Daryl Celis sa paniwalang dapat mas unang naalis ang dalawa kesa kay Walton na mas magaling daw kumanta.

Kahit ang judges na sina Ogie Alcasid at Jolina Magdangal ay hindi happy sa resulta ng text votes at naniniwala silang dapat pang manatili sa contest sina Walton at Meryl.

Kaso, nagpabaya ang fans ng dalawa, kaya maaga silang na-out, kahit belong sila sa mas magagaling sa grupo.
   
Wish ng fans ng dalawa’y magkaroon ng wild card para makabalik sila sa contest at matsugi ang mga hindi dapat pumasok sa Top 12.
   
Ipinarating pala namin kay Ogie ang maraming reklamo ng viewers sa Pinoy Idol nang makita namin siya sa presscon ng Urduja.
   
Sabi nito, in-address na nila ang mga reklamo at kung napapansin ng viewers, iba na ang lighting at lilipat sila ng venue ’pag Top 12 na.
   
Sa tanong kung sino ang gusto niya sa natitirang hopefuls, agad ang sagot ni Ogie na “I like Robby (Navarro), he’s good. Hindi ko itinatago kung sino ang bet ko, pero hindi kami puwedeng bomoto. All we can do is encourage the viewers na iboto ang dapat pumasok sa Top 12.
   
“Kaya lang, ang ibang texters, alam lang nila kung sino ang maganda at guwapo at ’pag maganda o guwapong magaling, ’di sila maka-identify.”

0 comments: