Naibalita ni Ogie na ibabalik din pala ang Celebrity Duets nila ni Regine. Magkakaroon ito ng Season 2 pagkatapos ng Pinoy Idol, kung saan isa sa judges si Ogie, at pagkatapos din ng Ako si Kim Samsoon na si Regine naman ang bida.
PINOY IDOL. Speaking of Pinoy Idol, kung anu-anong batikos na ang tinatanggap ng programang ito. Ano ang masasabi ni Ogie about it?
"I take all those things constructively," sagot niya. "Opinyon 'yan ng mga tao, na kailangang pinapakinggan din. Idol is such a huge franchise. A lot of expectations are going into it.
"Mayroon namang positive comments. Lately, medyo gumaganda na ang mga nasasabi, kaya ibig sabihin, we're taking the criticisms well. We're learning.
"Yung mga batikos kina Jolina [Magdangal] at Wyngard [Tracy], ang tingin ko kasi riyan, walang maling comments. Opinyon 'yan na dapat ay nirerespeto rin naman natin. Kung sinasabi rin ng iba na mali ang sinabi ni Jolens o ni Wyngard, rerespetuhin din namin yun. Marami rin kasing factors that we have to consider.
"Habang naroroon kami sa gala, iba yung tunog. Sa TV, iba rin yung tapon. May aspects na ganoon that we really have to consider. All in all, maganda ang resulta ng ratings namin, kaya happy na rin kami roon."
Very frustrated si Ogie kapag may napapatalsik na mas deserving contestants, na ma-retain sana sa Pinoy Idol.
"I can't hide the feeling," sabi niya. "Wala naman sigurong bayarang nangyayari, kasi malinaw naman 'yan na text votes ang pagbabasehan ng lahat. Nakakalimutan lang ng ibang contestants na hindi lang ito talent search. You really have to campaign. It's part of the mechanics.
"Ngayon, kung hindi ka nangampanya, matatanggal ka. Si Gian Magdangal sa Philippine Idol, binanggit niya 'yan sa akin, na on his own, kailangan niyang mangampanya. Ganoon din sa American Idol. Kung walang bumoboto roon sa magagaling, baka may kasalanan din sila. Hindi puwedeng mag-rely na lang sila sa galing nila," paliwanag ni Ogie.
0 comments:
Post a Comment